Tradisyunal na Filipino folk songs, tampok sa bagong album ni Lea Salonga

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2018 - 08:12 AM

Naglabas ng kaniyang ika-sampung studio album si Lea Salonga.

Ang album ay may titulong”Bahaghari: Rainbow” at si National Artist for Music Ryan Cayabyab ang producer.

Tampok sa album ni Lea ang 15 tracks na pawang tradisyunal na Filipino folk songs na binubuo ng anim na dialects gaya ng Ilocano, Bicolano, Ilonggo, Bisaya, Kapampangan at Tagalog.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama sa album ni Lea ang mga tradisyunal na folk songs sa Pilipinas.

Kasama sa album ang mga kantang, “Atin Cu Pung Singsing,” “Waray Waray,” “Matud Nila,” “Sarung Banggi,” “Pamulinawen,” “Ili Ili Tulog Anay,” “Leron, Leron Sinta,” “Paru-Parong Bukid” at “Pobreng Alindahaw.”

Ayon kay Lea, siniguro din nilang hindi sila magkakamali sa pagbigkas ng mga salita, kaya tumatawag sila sa mga kakilala na nakakaalam ng dialect para tiyak ang kaniyang pagbigkas.

TAGS: bahaghari, Filipino folk songs, Lea Salonga, bahaghari, Filipino folk songs, Lea Salonga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.