Kahit sunud-sunod ang naging rollback, mas malaki pa rin ang halaga ng naitaas sa presyo ng produktong petrolyo mula noong Enero

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2018 - 06:34 AM

Sa kabila ng ilang sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, kung susumahin ang halaga ng mga ipinatupad na paggalaw sa presyo ng oil products mula noong Enero, mas malaki pa rin ang naitaas kaysa sa naibawas.

Simula January 1 hanggang Dec. 4, 2018 ay 30 beses na ang naipatupad na dagdag sa presyong gasolina at diesel at 27 beses sa kerosene.

18 beses naman ang ipinatupad na rollback sa presyo ng gasolina at tig-19 na beses sa diesel at kerosene.

Kung susumahin, sa naturang mga paggalaw sa presyo mula noong Jan. 1 hanggang Dec. 4, 2018, umabot sa P21.17 ang nadagdag sa kada litro ng gasolina at P18.65 kada litro naman ang nabawas.

Sa diesel, P22.30 kada litro ang naging dagdag habang P17.60 ang nabawas.

At sa kerosene naman, P21.08 ang naging dagdag sa kada litro at P17.72 naman ang naibawas.

Kasama na sa nasabing mga presyo ng paggalaw ang dagdag dahil sa excise tax.

TAGS: oil price, petroleum products, Radyo Inquirer, oil price, petroleum products, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.