Mga nakaranas ng pang-aabuso sa Mindanao pinagsasampa ng kaso ng Malacañang
Hinamon ng Palasyo ng Malacañang ang ilang mga grupo na magsampa ng kaso sa korte dahil sa sinasabing mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa Mindanao.
Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat magpakita ng mga ebidensya ang mga ito para patunayan ang alegayson laban sa mga tropa ng gobyerno.
Matatandaang hiniling na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin pa ng isang taon ang batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Panelo, kailanman ay hindi kukunsintihin ng presidente ang pang-aabuso sa kapangyarihan.
Tutol ang Movement Against Tyranny-Northern Mindanao (MAT-NMR) sa planong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao dahil dumami umano ang human rights violations sa lugar.
Gayunman, iginiit ng Malacañang na nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya sa Mindanao dahil sa martial law ngunit aminadong umiiral pa rin ang rebelyon.
Ani Panelo, trabaho ni Duterte na tiyakin ang kaligtasan ng publiko tulad ng pagrerekomenda ng pagpapalawig sa batas militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.