Pangulong Duterte posibleng bumisita sa US sakaling maibalik na ang Balangiga Bells

By Rhommel Balasbas December 10, 2018 - 02:17 AM

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng bumisita sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maibalik na sa bansa ang makasaysayang Balangiga Bells.

Ayon kay Lorenzana, nasa bansa ngayon si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez upang kumbinsihin ang presidente na bumisita sa Washington bilang pasasalamat sa pagbabalik ng mga kampana.

Posible anya na maganap ang pagbisita ni Duterte sa US sa susunod na taon.

Bukas, araw ng Martes ang nakatakdang pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.

Sasamahan nina Lorenzana at Romualdez ang punong ehekutibo sa turn-over ng mga ito sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kinuha ng mga sundalong Amerikano ang Balangiga Bells bilang war trophies noong 1901. / Rhommel Balasbas

Excerpt: Bukas na magaganap ang pagbabalik sa bansa ng makasaysayang mga kampana.
Headline: Pangulong Duterte posibleng bumisita sa US sakaling maibalik na ang Balangiga Bells

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng bumisita sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maibalik na sa bansa ang makasaysayang Balangiga Bells.

Ayon kay Lorenzana, nasa bansa ngayon si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez upang kumbinsihin ang presidente na bumisita sa Washington bilang pasasalamat sa pagbabalik ng mga kampana.

Posible anya na maganap ang pagbisita ni Duterte sa US sa susunod na taon.

Bukas, araw ng Martes ang nakatakdang pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.

Sasamahan nina Lorenzana at Romualdez ang punong ehekutibo sa turn-over ng mga ito sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kinuha ng mga sundalong Amerikano ang Balangiga Bells bilang war trophies noong 1901.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.