P34/kilo na commercial rice mabibili na – DTI

By Rhommel Balasbas December 10, 2018 - 03:20 AM

DA Photo

Inanunsyo ni Trade and Insustry Secretary Ramon Lopez na mayroon nang mga commercial rice na mabibili sa halagang P34 hanggang P39 kada kilo sa ilang mga supermarkets sa bansa.

Ayon sa kalihim, ito ay matapos payagan ang mga piling retailers na direktang mag-angkat ng bigas nang hindi na kailangan pang dumaan sa traders alinsunod sa Administrative Order No. 13 na inaprubahan ng National Food Authority (NFA) noong Oktubre.

Ani Lopez, ang Robinsons Supermarket ang kauna-unahang supermarket na sumunod sa polisiya at nakakapagbenta na ng murang commercial rice.

Mayroon anyang 88 branches ang Robinsons sa Maynila na mayroon nang bigas na mas mababa sa P40 per kilo.

Samantala, sinabi rin ng kalihim na magbebenta na rin ng murang commercial rice ang Puregold at Gaisano sa lalong madaling panahon.

Nakapako sa kasalukuyan sa P39 per kilo ang suggested retail price sa bigas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.