I’m not a fan of Vice Ganda—Tony Mabesa
Makulay ang estado ng mga bakla sa Philippine cinema and television. Sa edad na 84, nakapag lead ang veteran stage and film actor Tony Mabesa sa isang LGBTQ+ themed film “Rainbow’s Sunset.” Maraming pelikulang tinatalakay ang kwento ng gay community. Habang si Vice Ganda, ang gay superstar sa TV at pelikula.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sa 84-year old actor, tinanong ang kanyang reaksyon sa tagumpay ni Vice Ganda bilang isang gay superstar na may entry din sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
“I’m not a fan of Vice Ganda. He’s not my kind of actor. But I am happy for him that he’s made a very good career. But in terms of acting, he’s okay, but I’m not crazy about it. I don’t like to watch his movies. Sa edad ko, namimili na ako. But I’m happy for him.”
Masaya naman ang acting teacher sa nakamit na tagumpay ni Vice sa kanyang karera. Sa akting lang ng Phenomenal Star hindi naniniwala si Tony.
Ilang taon na rin sa industriya ang mahusay na aktor. Lahat na raw ng acting theories ay alam nya dahil nagtuturo rin sya. Malakas din ang laban nya bilang best supporting actor sa darating na MMFF awards night.
120 plus na ang kanyang nagagawang pelikula, kasama ang International films. Nakasama na nya noon sa pelikulang Kadenang Bulaklak ang bida rin sa Rainbow’s Sunset na si Gloria Romero at sa seryeng The Rich Man’s Daughter sa Kapuso network.
Noon pa man ay hinahangaan na nya ang veteran actress dahil sa kahusayan nito sa pag-arte.
“They are great actors,” paglalarawan ni Tony kina Gloria at Eddie.
Papel ni Tony ang matalik na kaibigan ni Eddie. May sakit sya at may taning na ang buhay. Malaki ang utang na loob sa kanya ng pamilya ni Eddie dahil sya ang nagpa-aral at tumulong.
Kwento rin ni Mabesa, na-impress sya sa story ng MMFF entry na isinulat ni Eric Ramos. Laking gulat daw nya na isa pala sa mga major characters ang kanyang role.
Malaki ang pasasalamat nya sa buong produksyon ng Rainbow’s Sunset dahil sa respeto at arugang ipinakita sa kanilang mga senior stars.
Sa pagce-celebrate rin ng ika-100 years ng Philippine cinema, blessed and thankful sya dahil parte sya ng isang makabuluhang kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Lalo na ngayon na malaki ang pagtanggap sa mga pelikulang LGBTQ+. Ipinagmamalaki nya ang MMFF entry na mapapanood na simula December 25 sa lahat ng sinehan.
Produced ito ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista. Kasama rin sa pelikula sina Tirso Cruz III, Sunshine Dizon, at Aiko Melendez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.