TINGNAN: 34 wildlife species, nakumpiska sa NAIA

By Isa Avendaño-Umali December 09, 2018 - 03:47 AM

Bureau of Customs | NAIA

Kabilang sa mga nasabat ay dalawampung dragon at gecko lizards, apat na ahas at sampung moss frogs, na nakalagay sa mga kahon ng sapatos.

Nakita ng Customs X-ray inspector na si Angel Aboloc ang mga hayop sa bagahe ng isang babaeng pasahero na mula sa Bangkok, Thailand.

Ang mga nakumpiskang wildlife species ay naiturnover na sa Department of Enviroment and Natural Resources o DENR-NCR at dinala sa Biodiversity Management Bureau sa Quezon City, kung saan maalagaan ang mga hayop.

Muling paalala sa publiko, mahigpit na ipinagbabawal ang importation ng wildlife species nang walang permit o clearance mula sa DENR.

Ang mga lalabag ay mahaharap sa Customs Modernization Tariff, na may kaugnayan sa probisyon ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Tiniyak naman ng BOC-NAIA na nakikipagtulungan sila sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang maprotektahan ang kalikasan mula sa mga illegal wildlife traders, maging sa ilegal na pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot at mga kwestyonableng bagay sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.