50 sugatan, nahimatay nang magkagulo sa libreng concert sa Pasay

By Len Montaño December 08, 2018 - 07:43 PM

Hindi bababa sa 50 ang nasugatan at nahimatay matapos mauwi sa gulo ang libreng concert sa Mall of Asia Arena Concert grounds sa Pasay City Biyernes ng gabi.

Ayon kay Pasay Police chief Sr. Supt. Noel Flores, halos 20,000 ang dumalo sa Coke Studios Christmas Concert.

Pero nagkagulo sa concert, nagbatuhan ng mga bote, dahilan para masugatan at mahimatay ang mga nanonood.

Dahil dito ay hiniling ng pulisya sa organizer na itigil na ang concert dahil sa peligro ng stampede.

Tampok sa libreng concert ang ilang sikat na singers at may iba pang performers na galing sa mga probinsya gaya ng Batangas at Laguna.

Humingi naman ng paumanhin ang Coca Cola Philippines dahil sa insidente.

Sa kanilang Facebook post ay nakasaad na ipinagpaliban ang naturang event sa 2019.

Tiniyak ng Coca-Cola na makikipag-ugnayan sila sa otoridad para sa mahigpit na seguridad sa susunod nilang events.

TAGS: Coke Studios Christmas Concert, MOA grounds, Coke Studios Christmas Concert, MOA grounds

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.