Nagpaliwanag si Labor Sec. Silvestre Bello III ukol sa dahilan ng pagtaas ng unemployment rate sa ikatlong kwarter ng 2018.
Ayon kay Bello, ang pagtaas ng unemployment rate ay dahil sa mga nawalang trabaho sa sektor ng agrikultura kasunod ng mga bagyo na tumama sa bansa.
Sinabi ng kalihim na madaming nawalan ng trabaho sa agricultural sector dahil sa pinsala ng mga Bagyong Ompong at Rosita.
Pero sinabi ng opisyal na panandalian lamang na nawalan ng trabaho ang mga magsasaka at kung susumahin mula sa first hanggang third quarters ng taon ay bumaba pa ang unemployment rate.
Batay sa Philippine Statistics Authority Labor Force Survey, tumaas sa 5.1 percent ang unemployment rate noong Oktubre mula sa 5.0 percent sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.