AFP at PNP pinayuhan ni Duterte na hwag pahuli ng buhay sa mga kaaway

By Len Montaño December 08, 2018 - 11:46 AM

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo na dapat silang mamatay na may dignidad.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na mabuting gamitin ng mga pulis at sundalo ang natitira nilang tatlong bala sa kanilang mga ulo kaysa sumuko at dumanas ng kahihiyan sa kamay ng mga kaaway.

Ayon sa Pangulo, dapat mag-iwan ang mga pulis at sundalo ng tatlong bala para kapag nasukol sila ng kaaway ay magagamit nila ang mga ito sa sarili imbes na mahuli.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa pamamahagi ng certificate at awards sa mga graduates ng Motorcycle Riding Course and Motorcycle Riding Safety Training sa Rancho Palos Verdes.

Sinabi ito ni Duterte matapos nitong ianunsyo na magtatalaga siya ng isa pang division ng mga sundalo sa Jolo, Sulu para labanan ang mga kaaway kabilang ang Abu Sayyaf Group.

Ayon sa Pangulo, pupunta siya sa Jolo para sa deployment ng dagdag na mga sundalo sa lugar.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, duterte, NPA, PNP, Abu Sayyaf, AFP, duterte, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.