Duterte ipinag-utos ang deployment ng isang dibisyon ng militar sa Jolo, Sulu

By Rhommel Balasbas December 08, 2018 - 04:36 AM

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niya ang paglilipat ng isang dibisyon ng militar sa Jolo, Sulu.

Sa talumpati ng pangulo sa Davao City, sinabi nito na ito ay upang maresolba ang isyu sa peace and order sa lugar.

Ikinalulungkot ng presidente ang pagkakasawi ng ilang mga sundalo dahil sa mga sagupaan sa Jolo.

Matatandaang noong nakaraang buwan lamang ay ipinag-utos din ng presidente sa pamamagitan ng kanyang Memorandum Order 32 ang pagdaragdag ng tropa ng militar sa apat na lugar para masugpo ang karahasan.

Bukod pa ito sa hiling ni Duterte sa Kongreso na palawigin pa ang martial Law sa Mindanao na kinumpirma na rin ng Malacañang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.