Consultant ng NDFP at asawa isasailalim sa inquest matapos maaresto
Nakatakda nang isailalim sa inquest proceedings ang mag-asawang sina Rey Claro Casambre at Patricia Casambre matapos maaresto sa Cavite.
Ang dalawa ay isasailalim sa inquest sa Bacoor Citiy Prosecutor’s Office.
Si Casambre na aktibo noon sa back-channel talks ng gobyerno ang ikaapat nang NDFP consultant na dinakip ngayong taon.
Naunang inaresto sina Rafael Baylosis, Adel Silva, at Vic Ladlad.
Ayon sa ulat na inilabas ng CIDG-NCR si Casambre, 67 taong gulang ay mayroong dalawang warrant of arrest sa kasong murder at attempted murder na inisyu ni Judge emilio Dayanghirang III ng Davao Oriental RTC Br. 32.
Sa pahayag ng abogado ng mag-asawa na si Atty. Kristina Conti, pauwi ng bahay sa Bacoor City ang mag-asawa at kagagaling lang sa burol nang sila ay arestuhin ng mga pulis at militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.