Desisyon ng Sandiganbayan sa kaso ni Revilla, dapat irespeto – Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 03:10 PM

PDI PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Hinimok ng Malakanyang ang publiko na irespeto ang desisyon ng Sandiganbayan na nagpapawalang-sala kay dating Senador Bong Revilla Jr. sa kaso nitong plunder.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagsalita na ang anti-graft court at dapat itong igalang.

Sinabi ni Panelo na nagawa ng Sandiganbayan ang constitutional duty nito sa ginawang paglalabas ng pasya sa kaso.

Inirerespeto din aniya ng Palasyo ang independence ng hudikatura at ipagpapatuloy nila itong gawin sa iba lahat ng mga kasong hawak ng korte.

Maliban dito, sinabi ni Panelo na ang depensa at prosekusyon ay kapwa naman mayroon pang remedyo na pwedeng gawin sa ilalim procedural laws.

Excerpt:

TAGS: constitutional duty, dapat irespeto, Desisyon ng Sandiganbayan, kaso ni Revilla, Malakanyang, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sandiganbayan, constitutional duty, dapat irespeto, Desisyon ng Sandiganbayan, kaso ni Revilla, Malakanyang, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.