Pangulong Duterte hiniling na sa kongreso na palawigin ang martial law sa Mindanao
Pormal nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin pa ang Martial Law.
Isang taong extension pa ng martial law ang nais ng pangulo sa rehiyon.
Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, hiniling ng pangulo sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na panatilihin ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng 2019.
Inaprubahan ng pangulo ang naging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na dapat palawigin ang martial law na nakatakdang magtapos ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.