LTFRB naglalabas ng utos nang hindi dumadaan sa public consultations

By Jan Escosio December 07, 2018 - 11:35 AM

Muling pinuna ni Senator Grace Poe ang LTFRB at sa pagkakataong ito ang pagpapalabas ng mga direktiba ng hindi nagsasagawa ng public consultations.

Pagdidiin ni Poe sa diskarteng ito ng LTFRB ay nakakadagdag pa sa masalimuot ng sitwasyon ng trapiko.

Aniya nakasanayan na ng ahensiya na hindi na muna dinggin ang panig ng public utility vehicle o PUV operators, drivers at maging ang mga pasahero kayat hindi nila nauunawaan ng buo ang sitwasyon.

Nadiskubre ito ng senadora nang magsagawa ng pagdinig sa Senado ang pinamumunuan niyang Committee on Public Services ukol sa operasyon ng Paranaque Integrated Terminal Exchange na nagging daan para mabunyag ang mga isyu ukol sa ruta at prangkisa.

Noong nakaraang linggo, maraming pasahero ang na-stranded ng tatlong oras sa paghihintay ng masasakyang bus sa terminal, gayung may mga bus na walang laman ang umiikot sa mga lansangan para maghanap ng mga pasahero.

Ayon kay Poe, tila hindi alam ng LTFRB ang sinasabing law of supply and demand dahil sa palpak na pagtatalaga ng ruta at pagbibigay ng prangkisa.

TAGS: ltfrb, PUV, Radyo Inquirer, ltfrb, PUV, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.