CPP/NPA, nagdeklara ng ceasefire sa panahon ng Kapaskuhan

By Jan Escosio December 07, 2018 - 10:53 AM

Nagdeklara na ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng unilateral ceasefire kasabay ng pag-obserba ng Kapaskuhan sa bansa at pagdiriwang ng kanilang golden anniversary.

Sa inilabas na pahayag ng partidong-komunista, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang bago mag-hatinggabi ng Disyembre 26 ang idineklara nilang tigil putukan.

Muli itong ipapatupad alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 31 hanggang 11:59 ng gabi ng unang araw ng 2019.

Ayon sa CPP – Central Committee habang umiiral ang ceasefire, hindi magsasagawa ang NPA ng kanilang opensiba laban sa puwersa ng gobyerno.

Ngunit maaring bawiin ang deklarasyon ng tigil-putukan kung paiigtingin ng military ang kanilang mga operasyon laban sa kilusan.

Samantala, kasabay nang ika-50 taon ng pagkakatatag ng CPP, nanawagan ito na paigtingin ang pagtutol sa administrasyong-Duterte at hinihikayat ang kanilang mga tagasuportana magsagawa ng malawakang kilos-protesta.

TAGS: Ceasefire, CPP, NPA, Ceasefire, CPP, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.