Easterlies umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa; Amihan magbabalik na
Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies sa mas malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may pagkulog at pagkidlat sa Eastern at Central Visayas dahil sa epekto ng Easterlies.
Gayunman, simula mamayang hapon ay posible nang maranasan muli ng Extreme Northern Luzon ang pag-ihip ng Hanging Amihan.
Inaasahang mawawala muli ang Amihan matapos ang weekend ngunit babalik naman sa Miyerkules.
Sa nalalabing bahagi ng bansa ay maalinsangang panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.