Isang Imam patay sa pamamaril sa Baguio City

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 12:01 AM

Almadanee PH

Dead on the spot ang isang Imam o Islamic scholar matapos itong ilang ulit na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Azkco, Baguio City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Bedejim Abdullah na isang imam ng mga kadeteng Muslim ng Philippine Military Academy (PMA).

Alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente.

Batay sa kuha ng CCTV camera sa lugar, papasok si Abdullah sa Discovery Islam na isang paaralang nagtuturo ng Islam nang lapitan ng suspek at pagbabarilin sa ulo at katawan.

Matapos ang pamamaslang ay agad na tumakas ang gunman at tinangkang habulin ng mga nakasaksi sa pamamaril.

Ayon sa isa sa mga nakahabol sa salarin, habang tumatakbo ay tinanggal nito ang kanyang damit at itinapon ang baril na ginamit sa insidente.

Sa pagbagsak ng baril ng suspek ay muli itong pumutok at tinamaan naman ang isang babae na sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Blangko pa ang mga otoridad tungkol sa motibo sa krimen lalo na’t wala namang kaaway ang biktima.

Samantala, mariin namang kinundena ng National Commission on Muslim Filipinos sa Baguio City ang pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.