Nagpositibo sa methanol ang isang lambanog na sinuri ng Food and Drug Administration (FDA) mula sa tatlong lugar.
Ang pagsusuring ito ay ginawa ng FDA ay sa gitna ng isyu ng pagkakasawi ng 13 katao sa magkakahiwalay na tagayan ng lambanog sa Quezon City, Calamba at Sta. Rosa Laguna.
Bago ang mga naturang insidente ay iniimbestigahan na rin ng FDA ang kaparehong kaso sa Luisiana, Laguna, Antipolo City, Rizal at Magalang, Pampanga.
Ayon sa FDA, lumalabas na 11.7 percent ang methanol content ng lambanog na nakuha mula sa Laguna, 16 percent naman sa sample na nakuha sa Antipolo City habang 21.8 percent ang methanol content ng sample na galing sa Pampanga.
Ayon kay FDA Director General Charade Puno dapat walang methanol content ang alak o kung meron man ay dapat natural methanol lang na nasa 0.1% lamang.
Iginiit ni Puno na ang alak na may mataas na methanol content ay posibleng magdulot ng multiple organ failure, pagkabulag, coma at kamatayan.
Ang masaklap anya ay aabutin pa ng 12 hanggang 24 na oras bago malaman kung nakalalason ang isang alak dahil sa methanol.
Nagpaalala naman ang FDA na dapat ay sa babasaging bote nakalagay ang alak na iinumin dahil posible ring humalo sa inumin ang kemikal mula sa plastic.
Kinukuha na sa kasalukuyan ng FDA ang samples ng mga lambanog mula sa QC, Calamba at Sta Rosa para masuri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.