Mga miyembro ng dugo-dugo gang arestado sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 04:26 AM

Arestado ang lima katao, kabilang ang apat na mga babae na pawang mga miyembro ng dugo-dugo gang matapos magsagawa ng entrapment operation ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sa Novaliches.

Nakilala ang mga suspek na sina Diane Crisostomo, Jhen Sanchez, Bernadeth De Guzman, Julieta Joseph, at Melvin Pacia.

Ayon kay QCPD Station 4 chief, Superintendent Rossel Cejas, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang si Robert Barit matapos pagbentahan ng isang alyas Harold ng isang singsing na mayroong diyamante.

Nagkakahalaga umano ito ng P15,000.

Nakumbinsi si Barit na bilhin ang singsing, ngunit nang dalhin ito sa sanglaan ay napag-alamang peke pala ito.

Kinabukasan ay nakatanggap ng panibagong alok si Barit mula pa rin kay Harold. Sa pagkakataong ito, relo na Rolex na nagkakahalaga ng P30,000 ang ibinibenta sa kanya.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Harold na nakilalang si Pacia at kanyang mga kasabwat.

Narekober mula sa mga suspek ang 25 piraso ng mga branded umanong relos, mga alahas, 12 cellphone, at P66,000 cash.

Mahaharap ang anim sa kasong estafa, swindling, at paglabag sa Anti-Fencing Law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.