Hatol ng Sandiganbayan kay Bong Revilla ibababa na ngayong araw
Hahatulan na ng Sandiganbayan si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kaugnay sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman noon pang 2014.
Ibababa ng First Division ng anti-graft court ang hatol mamayang alas-8:30 ng umaga.
Nag-ugat ang kaso ni Revilla dahil sa umano’y pagbulsa nito sa P224.5 milyong kickback sa pagpapagamit ng kanyang pork barel funds sa pekeng non-government organization ni Janet Lim Napoles.
Nakakulong si Revilla kasama ang kanyang dating aide na si Richard Cambe sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.
Habang ang pork barrel scam queen na si Napoles naman ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Sa kabila ng kontrobersiyang ito ay naghain pa ng kandidatura sa pagka-senador si Revilla para sa 2019 midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.