Pagkalugi ng Pilipinas sa loan agreement sa China ibinabala
Naniniwala ang Makabayan bloc at iba pang socioeconomic groups na mas malaki ang ikakalugi ng Pilipinas kaysa makukuhang benepisyo sa mga loan agreements na nilagdaan kamakailan sa kasama ang China.
Sinabi ng grupo ng mga militanteng mambabatas na “debt trap” ang posibleng sapitin ng Pilipinas sa mga kasunduan na ito sa China.
Kaugnay nito ay nagbabala si IBON Foundation executive director Sonny Africa sa posibilidad na ang mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas ang posibleng kabayaran sa mga utang na ipinasok ng bansa.
Dehado rin aniya ang Pilipinas sapakat sa oras na magkaproblema raw sa kasunduan na ito ay sa ilalim ng batas ng China isasagawa ang arbitration process.
Kaya naman hinimok ni dating Bayan Secretary General Teodoro Casiño ang Kongreso na manghimasok na sa usapin na ito at silipin naang mga pinasok na kasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kamakailan, gayundin aniya ang pamamaraan nang pagbayad sa China sa mga loan agreements na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.