Airport personnel inatasan ni Pang. Duterte na iwasan ang human contact sa mga OFW
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga airport personnel na iwasan na ang pagkakaroon ng human contact sa mga paparating at umaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.
Sa talumpati ng pangulo sa mga natatanging OFW at ng kanilang pamilya sinabi nito na kung maari ay i-swipe na lamang ang mga identification card at iwasan na ang mga mabusising proseso sa mga papales at pisikal na inspeksyon.
Ayaw na rin ng pangulo na buksan pa ng mga airport personnel ang mga bagaheng dala ng mga umuuwing OFW.
Nakadidismaya ayon sa pangulo dahil pinagpapaguran ng mga OFW ang mga iniuuwing pasalubong subalit pagdating sa airport ay ninanakaw lamang.
Dagdag ng pangulo ang mga OFW ang mga bagong bayani at isa sa mga nagpapasigla sa ekonomiya bg bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.