Paglilipat sa PNPA at NPTI sa poder ng PNP lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon December 06, 2018 - 08:52 AM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang naglilipat na sa kontrol at pangangasiwa ng Philippine National Police ang Philippine National Police Academy (PNPA) at National Police Training Institute (NPTI).

Sa botong 200 na yes at 0 na no, lumusot ang House Bill 8628 na layuning amyendahan ang Republic Act 6975 o ang Department of the Interior and Local Government Act of 1990.

Kapag naging batas ang panukala, lahat ng mga tauhan, ari-arian, pasilidad, records, kagamitan, pondo at maging ang pagkakautang at assets ng PNPA at NPTI ay maililipat na rin sa PNP.

Para magarantiya na magiging maayos ang paglilipat sa PNP mula sa PPSC, bubuo ng 5-year transition plan ang kalihim ng DILG at ex-officio chairman ng NAPOLCOM na may konsultasyon din sa Chairman ng PPSC Board of Trustees.

pamumunuan ng isang Director na may ranggong Police Director ang PNPA at magtatalaga ng Deputy Director na may ranggong Chief Superintendent.

Mayroon na ring iuupong Dean of Academics at isang Commandant na may ranggong Chief Superintendent.

Ang NPTI naman ay pamumunuan ng isang Director na may ranggong Police Director na siyang responsable sa mandatory at leadership trainings ng lahat ng police non-commissioned officers.

Sa kasalukuyan ang PNPA at NPTI ay hawak ng Philippine Public Safety College (PPSC).

TAGS: House Bill 8628, House of Representatives, National Police Training Institute (NPTI)., Philippine National Police Academy (PNPA), House Bill 8628, House of Representatives, National Police Training Institute (NPTI)., Philippine National Police Academy (PNPA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.