90% ng mga Katolikong pari, bakla ayon kay Pangulong Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa halos 90 percent ng mga Katolikong pari sa bansa ay homosexual o mga bakla.
Ayon sa pangulo, ang Simbahang Katolika ang pinaka ipokritong institusyon.
Sinabi ng pangulo na alam mismo ng Santo Papa ang mga anomalya sa Simbahang Katolika.
Ayon pa sa pangulo, walang karapatan ang mga pari na manermon ukol sa moralidad.
Agad namang nilinaw ng pangulo na wala siyang intensyon na mangbastos sa mga bakla.
Katunayan ayon sa pangulo, dalawa sa kanyang brother-in-law ay mga bakla
“The most hypocritical institution in the entire Philippines is the Catholic church and the pope knows that,” ayon sa presidente.
“No offense intended, I have so many relatives who are gay. I have two brothers-in-law who are gay, but most of the priests there are homosexuals. Almost 90 percent of you, so do not postulate on immorality,” dagdag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.