PNP at AFP pormal nang inirekomenda ang martial law extension

By Len Montaño December 06, 2018 - 04:08 AM

Pormal nang inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao ng 1 pang taon.

Opisyal nang pinirmahan ng PNP at AFP ang dokumento na nagrerekomenda ng extension ng batas militar sa rehiyon.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, lumagda sila ni outgoing AFP chief of staff General Carlito Galvez Jr. sa dokumento para tumagal pa ng 1 taon ang martial law.

Ang naturang dokumento aniya ay pinirmahan Martes December 4.

Inirekomenda ng pulisya at militar ang ikatlong extension ng martial law.

Sinabi ni Albayalde na dahil sa martial law ay bumuti ang sitwasyon sa Mindanao kung saan bumaba ang krimen sa 32.8%.

Nais ng gobyerno na tumagal pa hanggang December 31, 2019 ang batas militar dahil sa problema sa New People’s Army sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.