Pangulong Duterte: Don’t be so sad about being taxed

By Rhommel Balasbas December 06, 2018 - 02:47 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na huwag malungkot sa isyu ng pagbubuwis sa kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa Presidential Awards ceremony sa Malacañang, iginiit ng pangulo na ang pera ng bayan sa kanyang pamumuno ay nasa mabuting kalagayan.

Sinabi ni Duterte na hindi niya hahayaan ang korapsyon at patunay nga anya ang pagkakasibak niya sa maraming miyembro ng gabinete.

Matatandaang inaprubahan na ng pangulo ang pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo para sa 2019.

Kasunod ito ng payo ng economic managers dahil na rin sa sunud-suno na pagbaba ng presyo ng langis.

Ang excise tax na ito sa petrolyo ay bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.