Presyo ng sardinas tumaas; presyo ng loaf bread bumaba

By Rhommel Balasbas December 06, 2018 - 04:27 AM

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyam na brands ng sardinas ang nagtaas ng kanilang presyo ng aabot sa P0.40 hanggang P.85.

Ito umano ay dahil sa mataas na presyo ng tamban na ginagamit sa sardinas na ngayon ay nasa P32 na kada kilo.

Isa ring brand ng corned beef ang nagtaas ng presyo dahil sa pagmahal ng beef forequarter.

Sa kabila naman ng pagtataas na ito, may magandang balita naman ang DTI para sa consumers.

Nahikayat ng gobyerno ang ilang mga bread manufactures na magbaba ng presyo ng kanilang loaf bread.

Aabot sa P1 ang ibababa sa kada 400 grams habang P2 naman sa 600 grams ng isang sikat na brand habang ang ibang brands ay may mas malaking tapyas na aabot sa P5.50.

Isang brand din ng gatas ang may bawas na P.50 sa kada 80-gram pack.

Ayon pa kay DTI Sec. Ramon Lopez mananatili sa presyo ang ilan sa mga pangunahing bilihin hanggang sa first quarter ng 2019.

Dahil sa mga naganap na paggalaw ng presyo ay maglalabas ang DTI ng bagong suggested retail prices (SRPs) ng mga pangunahing bilihin ngayong linggong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.