Pedicab drivers nagsimula nang mag-ipon sa AlkanSSSya Program
Inilunsad ng Social Security Sytem (SSS), sa pakikipagtulungan ng Quezon City Local Government ang ikalawang yugto ng ”AlkanSSSya Program”.
Isinagawa ang programa sa Quezon City Memorial Basketball Court noong October 9.
Umabot sa 41 informal sector groups (ISGs) na saklaw ng iba’t-ibang sangay ng SSS sa Quezon City ang tumanggap ng AlkanSSSya units.
Kabilang sa mga ISGs na nagrehistro sa ilalim ng AlkanSSSya Program ay ang Uniwide Martin Pedicab Operators and Drivers Associations, Inc. at RP Pedicab Operators and Drivers Associations ng Barangay Gulod, Novaliches na may kabuuang 110 miyembro.
Sa ilalim ng nasabing programa ang bahagi ng kita ng mga pedicab drivers ay maari nilang impukin sa AlkanSSSya para sa kanilang buwanang kontribusyon sa SSS.
Dahil dito, bawat miyembro ng PODA na napagkalooban ng AlkanSSSya units ay makikinabang na sa iba’t-ibang benepisyo ng SSS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.