11 prangkisa ng Dimple Star Bus kinansela ng LTFRB; 118 bus units hindi na pwedeng bumiyahe
Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-kansela sa labingisang prangkisa o katumbas ng buong fleet ng Dimple Star Bus Company matapos masangkot sa aksidente ang isang bus nito noong March 2018 na nagresulta sa pagkasawi ng 19 na katao at pagkasugat ng 21 iba pa.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, napagdesisyunan ang pagkansela sa prangkisa ng bus company matapos ang deliberasyon sa kinasangkutang aksidente ng bus ng Dimple Star na nahulog sa bangin sa a cliff in Sablayan, Occidental Mindoro.
Ani delgra, sakop ng kanselasyon ang buong fleet ng Dimple Star na mangangahulugang hindi na pwedeng bumiyahe ang 118 na mga bus unit nila.
“We are cancelling the franchise of the entire fleet of Dimple Star because of repetitive recklessness in their transport service. One death is already one too many,” ani Delgra.
Bago ang pagkansela sa lahat ng prangkisa ay pinatawan na ng 30 araw na preventive suspension ng LTFRB ang mga bus ng Dimple Star na bumibiyage sa ruta mula San Jose, Occidental Mindoro patungong Maynila.
Sa rekord ng LTFRB, mula 2011 hanggang 2018 ang Dimple Star Bus Company ay nasangkot na sa walong aksidente sa lansangan kung saan 25 katao na ang nasawi at 134 ang sugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.