Public interview sa mga Associate Justice applicants sisimulan ngayong araw

By Alvin Barcelona December 05, 2018 - 01:26 AM

Itinakda na ng Judicial and Bar Council ngayong araw, December 5 ang public interview para sa iba pang kandidato sa mababakanteng posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema.

Base sa inilabas na schedule ng JBC, unang sasalang sa interview mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sina Ramon Cruz, Eduardo Peralta, Jr., at Ricardo Rosario na pare-parehong mula sa mula sa Court of Appeals (CA).

Sasabak naman aa interview na naka-schedule mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon sina Ramon Bato, Jr. mula sa CA, Amparo Cabotaje-Tang, at Efren dela Cruz na kapwa mula sa Sandiganbayan.

Sa kabuuan, mayroong 20 aplikante para maging bagong Associate Justice ng Supreme Court, kabilang ang ilang nominado na nauna nang sumailalim sa public interview.

Ang mapipiling papalit sa mababakanteng posisyon ni Associate Justice Noel Tijam na nakatakdang magretiro sa darating na Enero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.