Pambubugbog sa reporter ng DZRH iimbestigahan na ng Napolcom
Nagpatawag na ng imbestigasyon si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Senen Sarmiento hingil sa pananakit ng Pulis-Marikina sa isang radio reporter ng Manila Broadcasting Center – DZRH.
Base sa kautusan ni Sarmiento sa National Police Commission (NAPOLCOM), ipinabubusisi nito ang pananakit ni SP02 Manuel Layson sa mamamahayag na si Edmar Estabillo habang nasa loob ng presinto.
Gusto ring malaman ni Sarmiento sa NAPOLCOM kung nararapat bang patawan ng administrative sanction si SP02 Layson.
Tiniyak naman ni Sarmiento sa publiko na hindi sasang ayunan ng NAPOLCOM ang maling gawa ng mga miyembro ng PNP.
Mariin ding giniit ni Sarmiento na hindi papayagan ng NAPOLCOM na sirain ng isang pulis ang imahe ng buong pwersa ng pambansang pulisya.
Ayon kay Sarmiento, “The NAPOLCOM is the forefront of its campaign for an improved police discipline and integrity and we will not tolerate police officers whose nefarious acts taint the image of the PNP”.
Nauna dito ay sinibak na sa kanyang pwesto ang pulis na si Layson at pansamantala ngayong nakatalaga sa Headquarters ng Eastern Police District Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.