Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang draft ng federal constitution.
Sa viva voce voting lumusot ang Resolution of Both Houses 15 na naglalayong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution.
Sa ilalim nito magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador, pangalawng pangulo at maging ang pangulo.
Ang pangulo ay maaring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term-limit ng iba pang opisyal.
Nakasaad din dito na kailangang college graduate ang mga tatakbo sa pagka-kongresista, senador, bise presidente at pagkapangulo.
Ang running mate naman ng mananalong pangulo ang awtomatikong magiging bise presidente.
Gagawin din sa ilalim ng bagong saligang batas na two-party system na lamang sa bansa.
Sa ilalim din ng inaprubahang draft Constitution mananatili ang presidential form ng pamahalaan.
Gayunman, ang Kongreso ang magpapasya sa pagbuo ng Federal States.
Ang Mababang Kapulungan ay bubuuin ng hindi bababa sa 300 mga kinatawan.
Nakasaad din dito, na mananatiling ihahalal ng mga botante sa buong bansa ang mga senador katulad ng sa partylist.
Inalis naman sa inaprubahang draft ang pagbabawal sa political dynasty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.