PNoy ipinag-utos ang ilang ‘last-minute changes’ sa preparasyon sa APEC

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2015 - 01:04 PM

APEC-1110Matapos ang isinagawang inspeksyon sa mga lugar na pagdarausan ng APEC Economic Leaders’ Meeting, ipinag-utos mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapatupad ng mga last-minute changes sa security preparations.

Ayon kay Ambassador Marciano Paynor Jr., director general ng APEC 2015 National Organizing Council, agad nilang ipatutupad ang direktiba ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Paynor na ‘very concern’ si Pangulong Aquino sa security plan para sa mga lider na dadalo sa APEC summit kasama na ang kani-kanilang mga delegasyon.

Inamin ni Paynor na maraming nakita ang Pangulo na kinakailangang baguhin at agad aniya ipinatupad ng Organizing Council ang mga pagbabago.

Kahapon, binisita ni PNoy ang mga lugar na pagdarausan ng APEC summit sa November 18 at 19.

Kabilang sa pinuntahan ng Pangulo ang Philippine International Convention Center (PICC) at ang Mall of Asia Arena.

Sa MOA isasagawa ang welcome dinner para sa mga state leaders at kanilang delegasyon.

Pinuntahan din ni PNoy kahapon ang terminals 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang Villamor Air Base sa Pasay City.

TAGS: APEC security plans, APEC security plans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.