Bicam report para sa panukalang positibong pagdidisiplina sa mga bata, niratipikahan na sa Senado
Niratipikahan na sa Senado ang bicameral report sa panukalang batas hinggil sa positibong pagdidisiplina sa mga bata.
Layunin ng panukala na proteksyunan ang mga bata sa anumang uri ng pang-aabuso, physical o mental abuse man, maging sa pananakit, pangmamaltrato at iba pa.
Kinikilala sa panukala na si Sen, Risa Hontiveros ang sponsor ang karapatan ng mga bata salig sa equal protection of the law.
Isinusulong sa panukala ang positibo at hindi bayolenteng pamamaraan ng pagdidisiplina sa mga bata sa bahay, paaralan at workplaces.
Sa ganitong paraan sinabi ni Hontiveros na mas magiging maayos ang pagpapalaki sa mga bata, at lalaki rin silang hindi bayolente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.