WATCH: Otis Bridge muling binuksan sa mga motorista
By Jan Escosio December 04, 2018 - 09:51 AM
Matapos isailalim sa pagkukumpuni sa loob ng 5-buwan bukas na muli sa mga motorista ang Otis Bridge sa Maynila.
Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapasinaya sa bagong gawang tulay.
Ang naturang tulay ay isinara noong Hunyo matapos makitaan ito ng mga crack.
Umabot sa P33 million ang ginastos para sa pagsasaayos ng tulay.
Ito rin ang unang pagkakataon na nakumpuni ito mula nang itayo ang tulay noong 1986.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.