Seguridad ng 21 lider na dadalo sa APEC summit, ‘biggest challenge’ ayon sa mga organizers

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2015 - 12:13 PM

apecMaituturing na ‘biggest challenge’ ang pagtiyak ng seguridad ng 21 lieaders na dadalo sa APEC Leaders’ Meeting.

Ayon kay Ambassador Marciano Paynor Jr., director general ng APEC 2015 National Organizing Council, bagaman ‘uniform’ ang ipatutupad na seguridad para sa mga heads of state na darating sa bansa, magkakaroon aniya ng ‘adjustments’ kung kakailangan.

Sinabi ni Paynor na ang pagbabago sa seguridad ay ibabase sa banta sa bawat delegado lalo na kung itinuturing na ‘high-risk’ ang isang lider.

Ang seguridad para sa 21 deliegado kasama na si Pangulong Benigno Aquino III ay pangangasiwaan ng Presidential Security Group (PSG).

Ginawa ni Paynor ang pahayag dahil sa paglalahad ng ‘concern’ ng mga Chinese authorities hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga opisyales na dadalo sa APEC summit. “The assignment for each of the leader, not only with President Xi Jinping but for everyone, including leaders of Hongkong, China and the representative of Chinese Taipei they will be accorded the same security package. But we tweak the security arrangements depending on threat assessment on the particular leader that is coming” sinabi ni Paynor.

Si President Xi Jinping ng China ay dadalo sa APEC summit sa gitna ng mainit na usapin ng territorial dispute sa panig ng Pilipinas at China.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala ang mga opisyal ng China lalo na sa posibilidad na salubungin ng kilos protesta ang kanilang presidente.

Kasabay nito, umapela si Paynor sa mga grupong nagpaplanong magsagawa ng anti-APEC rallies na huwag silang magdulot ng kahihiyan sa mga darating na leaders.

TAGS: APEC security measures, Security for 21 leaders, APEC security measures, Security for 21 leaders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.