SC decision, ‘moral victory’ ayon sa abogado ng pamilya Binay
Itinuturing na “moral victory” ng kampo ng pamilya Binay ang desisyon ng korte suprema hinggil sa apela ng Office of the Ombudsman sa misyong itigil ang pagpapatupad ng suspensyon kay Junjun Binay.
Ayon kay Atty. Rico Paolo Quicho, ‘vindicated’ ang nakababatang Binay nang sabihin ng Korte Suprema sa desisyon nito na hindi nagkaroon ng pag-abuso sa panig ng Court of Appeals nang pigilan nito ang Office of the Ombudsman na ipatupad ang suspensyon.
Noon pa man sinabi ni Quicho na ang posisyon nila ay wala talagang basehan at hindi naaayon sa batas ang suspensyon ng Ombudsman kay Binay. “Moral victory ito para kay Mayor Junjun, ang korte suprema pinag-aralan talaga itong kaso. Vindicated kami kasi ang position namin walang basehan at hindi naaayon sa batas ang suspension kay Mayor Junjun,” ayon kay Quicho.
Samantala, hindi naman makapagbigay pa ng panig ang kampo ni Binay sa bahagi ng desisyon ng korte suprema kaugnay sa abandonment ng condonation doctrine.
Ayon kay Quicho, hindi pa sila nakatatanggap ng kabuuang kopya ng desisyon ng mataas na hukuman.
Nais muna ni Quicho na mapag-aralan ng husto ang desisyon bago ilahad ang kanilang komento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.