Kamara humihingi ng paliwanag para sa martial law extension sa Mindanao
Nais ipatawag ng Kamara ang mga security officials ng pamahalaan para sa isang briefing may kaugnayan sa sitwasyon sa Mindanao.
Ito ay kasunod sa pahayag ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na kailangang palawigin pa ang martial law at ang suspension of the writ of habeas corpus sa rehiyon hanggang sa December 31, 2019.
Ayon kina Anak Mindanao (AMIN) party-list Rep. Makmod Mending Jr. at Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, walang masama sa muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Pero iginiit ng mga ito na kailangan mapanindigan ng pamahalaan na mapapanatili nito ang katahimikan at seguridad sa rehiyon.
Gayunman, nilinaw ni Barbers na kailangan pa rin ng formal na request ng gobyerno sa Kongreso para sa muling extension ng martial law.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang pangulo lamang ang may kapangyarihang magdeklara ng martial law at suspension of the writ of habeas corpus kung mayroong invasion o rebelyon at kailangan para sa kaligtasan ng publiko.
Nasa Kongreso naman sa pamamagitan ng mayorya, voting jointly ang kapangyarihan kung papayagan ang pagpapalawig ng batas militar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.