LOOK: Bagong CJ Lucas Bersamin sinalubong ng mga empleyado sa unang flag-raising ceremony niya bilang punong mahistrado
Dinaluhan ni Chief Justice Lucas P. Bersamin ang kauna-unahan niyang flag raising ceremony sa Korte Suprema bilang punong mahistrado.
Sinalubong si Bersamin ng mga empleyado ng Mataas na Hukuman bitbit ang iba’t ibang kulay ng lobo na may pahayag ng pagbati sa kaniya.
Naroroon din ang walo sa mga kapwa-mahistrado ni Bersamin habang dumalo din si Ret. Justice Adolfo Azcuna at si Court Administrator Midas Marquez.
Pinasalamatan ni Bersamin ang mga kapwa-mahistradong dumating, at sinabing ang mga hindi nakadalo ay tiyak may kani-kaniyang dahilan.
Si Bersamin ang ika-25 punong mahistrado ng mataas na hukuman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.