Bahagi ng Muntinlupa, Parañaque at Cavite, mawawalan ng kuryente
Limang hanggang anim na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Parañaque City, Muntinlupa City at Cavite.
Sa abiso ng Meralco, ang power supply interruption sa Muntinlupa City at Parañaque City ay mawawalan ng kuryente mula alas 12:01 ng madaling araw bukas, November 13 hanggang alas 5:00 ng umaga.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod:
Bahagi ng Dr. A. Santos Ave. (Sucat Road) mula sa Upper Sucat Neighborhood Association sa Bgy. Sucat, Muntinlupa City hanggang sa Masville Road kabilang ang Manga Site Compound at Aratiles St. sa Bgys. BF Homes at San Antonio, Parañaque City.
Gayundin ang bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) mula sa Mayor J. Posadas Ave. sa Bgy. Sucat, Muntinlupa City; Villongco Subd. at Joseph Estrada Compound sa Bgy. BF Homes, Parañaque City.
Ayon sa Meralco, maglilipat sila ng facilities sa Sucat Interchange footbridge construction sa Bgy. Sucat, Muntinlupa City.
Samantala, sa Maragondon at Ternate Cavite, magkakaroon din ng power interruption mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Governor’s Drive mula sa Sapang – Pinagsanjan Barangay road hanggang sa Barangay Sapang II at Puerto Azul, Ternate.
Ayon sa Meralco, maglilipat din sila ng pasilidad sa bahagi ng Governor’s Drive sa Barangay Sapang II sa Ternate, Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.