Duterte, dapat ilabas ang medical bulletins sa kaniyang kalusugan – 8 senatoriables

By Angellic Jordan December 02, 2018 - 10:05 PM

Sumang-ayon ang walong Senatorial candidates na dapat ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang medical bulletins ng kaniyang kalusugan.

Sa isinagawang forum sa University of the Philippines (UP), hiningan ng opinyon ang mga kandidato ukol sa iba’t ibang isyu sa bansa.

Nang tanungin ang mga kandidato tungkol sa kalusugan ng Punong Ehekutibo, sumagot ng “yes” ang mga kandidato kabilang ang mga kaalyado ng pangulo.

Anila, inaalala ng mga ito ang lagay ng kalusugan ni Duterte.

Ilan sa mga dumalong kandidato ay sina Sen. Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano, dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald dela Rosa, Atty. Chel Diokno, Sen. JV Ejercito, sina dating Sen. Juan Ponce Enrile at Sergio Osmeña, at dating presidential political adviser Francis Tolentino.

TAGS: Health, medical bulletins, Rodrigo Duterte, Health, medical bulletins, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.