3 sugatan sa nahulog na sasakyan sa Bohol

By Angellic Jordan December 02, 2018 - 10:04 PM

PHOTO BY: LEO UDTOHAN / INQUIRER VISAYAS

Sugatan ang tatlo katao matapos mahulog sa bangin ang sasakyan sa Alburquerque, Bohol Linggo ng umaga.

Ayon kay PO3 Rodel Aguipo mula sa Alburquerque Municipal Police Station, minamaneho ng isang Adriano Genovia Sr. ang multicab sakay ang kaniyang anak na si Adriano Jr. pasado 5:00 ng umaga.

Nagmula ang mag-ama sa bayan ng Loay at patungo sanang Tagbiliran City.

Nang mapadpad sa Tagbuane Bridge, nawalan ng kontrol ang ama dahil sa madulas na kalsada.

Dahil dito, nabangga ang isang residente na naglalakad sa naturang tulay.

Kinilala ang biktima na si Ralph John Mumar, 18-anyos at residente ng Barangay Tagbuane.

Nahulog ang multicab sa bangin na may lalim na 15 talampakan.

Agad namang naitakbo sa pinakamalapit ng ospital sa Tagbiliran ang mga biktima na nagtamo ng minor injuries.

TAGS: Alburquerque Municipal Police Station, multicab, Alburquerque Municipal Police Station, multicab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.