Akusasyong ‘dirty work’ ang pag-aresto kina Ocampo, Castro walang basehan – Panelo

By Chona Yu December 02, 2018 - 12:17 PM

Baseless o walang sapat na basehan ang akusasyon ng grupo nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers partylist Rep. France Castro na ‘dirty work’ ng gobyerno ang pag-aresto sa kanila sa Davao Del Norte dahil sa kasong kidnapping at trafficking sa mga batang Lumad.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presdential spokesman Salvador Panelo na binigyan ng due process ng gobyerno ang grupo nina Ocampo dahil pinalaya at pinagpiyansa pa.

Katunayan, nakita ng korte na hindi sapat ang asuntong kidnapping at trafficking kung kaya ibinaba ito sa exploitation and discrimination sa ilalim na rin ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinabi pa ni Panelo na kailanman ay hindi nakikialam ang ehekutibo sa sangay ng hudikatura.

Payo pa ni Panelo sa grupo nila Satur, hayaan na lamang ang korte na magpasya sa kaso lalo’t nakademanda na sila.

Hinimok din ni Panelo ang grupo nila Ocampo na maghain ng asunto laban sa gobyerno kung sa palagay nila ay naabuso ang kanilang karapatang pantao o nabiktima ng harassment.

Karapatan aniya ninuman na magsampa ng kaso laban sa gobyerno.

Katunayan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang humihimok sa publiko na maghain ng kaso laban sa gobyerno at hindi kukunsintihin ang anumang uri ng pang-aabuso at hahayaan na gumulong ang batas.

TAGS: Cong. France Castro, human trafficking, Kidnapping, satur ocampo, Sec. Salvador Panelo, Cong. France Castro, human trafficking, Kidnapping, satur ocampo, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.