DTI, inabisuhan ang publiko na maging wais sa pamimili
Nag-abiso sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI) na maging mapanuri at wais sa pamimili lalo na ngayong Holiday season.
Sa isang panayam, nagbigay ng payo si DTI Secretary Ramon Lopez sa mga konsyumer na bumili ng mas murang brands ng iba’t ibang pagkain.
Aniya, kapag naramdaman ng mga kumpanyang may mataas na presyo ng mga produkto ay magbababa rin ang mga ito kalaunan.
Batay kasi sa ulat, tumaas na sa P20 hanggang P40 ang kada kilo ng hamon sa ilang pamilihan.
Giit nito, mayroong suki ang ilang mamahaling brands kung kaya’t hindi nito iniinda ang pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Sinabi pa ni Lopez na dapat nang asahan ang pagtaas nito habang papalapit ang Kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.