TINGNAN: DepEd, nanawagan ng “Justice for Francis”

By Isa Avendaño-Umali December 02, 2018 - 05:49 AM

 

Photo credit: DepEd

Natagpuang patay sa Marikina City ang isang binata na graduate mula sa Ateneo de Manila University at dating nagsilbi sa Department of Education o DepEd.

Kinilala ang biktima na si Francis de Leon, 24-anyos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina Police, nakita ang bangkay ni de Leon sa J. Molina Street, corner Blue Bird Street, sa Barangay Concepciom Uno dakong 1:20 ng madaling araw ng Sabado (December 1).

Nagtamo ng saksak sa leeg ang biktima, at sinasabing naholdap dahil nawawala ang ilang mga gamit nito.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen, at inaalam na rin kung sino ang responsable rito.

Mariing namang kinondena ng DepEd ang nangyari kay “Kiko” o “Francis.”

Panawagan ng DepEd ang hustisya para kay de Leon, na naglingkod noon sa Disaster Risk Reduction and Management Service ng ahensya.

TAGS: Department of Education, Department of Education

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.