Kampo nina Ocampo at Castro, nagpiyansa para sa kasong pagdukot umano sa mga batang Lumad

By Len Montaño December 01, 2018 - 05:23 PM

Photos from Police Regional Office 11

Nakatakda ang pansamantalaang kalayaan nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teacher’s Party-list Rep. France Castro at 16 na iba pang akusado sa umano’y pagdukot sa 14 na menor de edad sa Davao del Norte.

Ayon sa abogado ng tinaguriang Talaingod 18, naglagak sila ng piyansa para kina Ocampo, Castro at kanilang kasamahan na inaresto dahil sa umano’y pagdukot sa mga batang Lumad.

Inilagak ang piyansang P80,000 sa bawat isang akusado sa Tagum Regional Trial Court.

Samantala, itinanggi ng Department of Education (DepEd) sa rehiyon na naglabas sila ng closure order laban sa Lumad school sa bayan ng Talaingod.

Ayon kay DepEd regional spokesperson Dodong Atillo, mayroong permit ang Salugpongan school na nangangahulugan na sumunod ito sa lahat ng requirements.

Ang pagpapasara sa main Salugpongan school sa Sitio Dulyan sa Barangay Palma Gil ng paramilitary group ang dahilan para tumakas at magpasaklolo ang mga Lumad na guro at estudyante.

Isa sa tumulong ang grupo nina Ocampo at Castro pero sila ay inaresto at kinasuhan ng kidnapping at child trafficking.

TAGS: France Castro, Lumad, piyansa, satur ocampo, France Castro, Lumad, piyansa, satur ocampo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.