PNP Chief Albayalde, hindi naniniwalang may Sparrow Unit pa

By Jimmy Tamayo December 01, 2018 - 11:28 AM

Hindi naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na buhay pa ang Sparrow Unit, ang kilabot na hit squad ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ito ni Albayalde sa isang panayam sa gitna na rin ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbubuo siya ng death squad para tapatan ang nasabing grupo.

Ayon sa PNP chief, wala silang namo-monitor na pagkilos ng nasabing grupo.

Aniya pa, maaaring ang nagtulak sa presidente para bumuo ng grupo ay ang ilang pag-atake ng rebeldeng grupo laban sa pwersa ng pamahalaan.

Tinukoy ng PNP chief ang Sagay massacre na iniuugnay sa NPA maging ang pananambang sa mga sundalo sa Bicol at ang pag-atake sa police station sa Samar.

Sa ngayon, kinumpirma ni Albayalde na wala pa naman siyang natatanggap na direktiba sa bubuuing death squad.

Nauna nang dumistansya si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Duterte Death Squad at inihayag na dapat ay mga sundalo ang bubuo dito.

Nagpahayag din ng pangamba ang ilang mga grupo na matulad ito sa madugong kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.

TAGS: duterte death squad, NPA sparrow unit, PNP chief Oscar Albayalde, duterte death squad, NPA sparrow unit, PNP chief Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.