Tail end of a cold front, magpapaulan sa Silangang Visayas
Patuloy na nakakaapekto ang Hanging Amihan sa buong Luzon habang apektado naman ng tail end of a cold front ang Silangang Visayas.
Sa 4am weather update ng PAGASA, bagaman magiging maalinsangan ang panahon, posible ang mahihinang mga pag-ulan sa Luzon dahil sa Amihan.
Dahil sa epekto naman ng tail end of a cold front o pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin, inaasahan ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Silangang Visayas.
Sa nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao naman ay magiging maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.