Sarah Geronimo, muling nakasungkit ng international awards

By Rhommel Balasbas December 01, 2018 - 03:16 AM

Muling pinatunayan ng ‘Popstar Royalty’ na si Sarah Geronimo ang kanyang galing hindi lamang sa bansa kundi maging sa international level.

Ito ay matapos magwagi ng dalawang parangal ang singer-actress sa Big Apple Music Awards (BAMA) 2018.

Itinanghal si Geronimo bilang Best Pilipino Artist at Most Popular BAMA 2018 Artist.

Inanunsyo ito ng New York-based award giving body sa kanilang official Instagram page.

Ayon sa BAMA, ipinadala na sa Popstar ang mga tropeo.

Ayon sa BAMA website, nagsimula sila taong 2004 kung saan kanilang kinilala ang musika mula sa Central Asia, Caucasus at Middle East.

Layon nilang itaas ang kamalayan sa ‘cultural diversity’ ng mga kalahok na rehiyon.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagpakita ng husay si Geronimo sa ASEAN-Japan Music Festival kung saan nagperform ito kasama ang mga pinakamagagaling na mang-aawit ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations at ng Japan.

Pinalakpakan ang mahusay niyang pag-awit ng kanyang original songs na ‘Kilometro’ at ‘Tala’.

 

View this post on Instagram

 

2 Trophies for the Best Pilipino Artist Award & the Most Popular BAMA 2018 Artist Award has been sent to Sarah Geronimo 🏆🌟@realsaracongratulationCongtadulations The Trophy for Best Pilipino Artist Award has been sent to Sarah Geronimo 🏆🌟 to Sarah G. 🎉🔥 @justsarahgph @mr__martin_ @martin_newyork General Sponsor #bama2018 to Sarah G. 🎉🔥 @justsarahgph @mr__martin_ @martin_newyork General Sponsor #bama2018 @justsarahgph

A post shared by Big Apple Music Awards ® (@bigapplemusicawards_official) on Nov 28, 2018 at 11:28pm PST

TAGS: 2018 BAMA, Big Apple Music Awards, Popstar Royalty Sarah Geronimo, Sarah Geronimo, 2018 BAMA, Big Apple Music Awards, Popstar Royalty Sarah Geronimo, Sarah Geronimo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.